Categories
 
 
 
 
 
 
 
Home > Movies> Masikip sa Dibdib

MASIKIP SA DIBDIB

Masikip Sa Dibdib

Viva Films COMEDY DVD 2004.07.05 Bb. Joyce Bernal $ 16.95 US$ 16.95

Humiwalay ang mag-iina (Gina Pareno bilang ina; John Lapuz, Phytos Kyriaco at Ruffa Mae Quinto bilang mga anak; at Sunshine Dizon bilang anak-sa-labas) sa babaerong padre-de-pamilya na ginampanan ni Bernard Bonnin. Sagad sa buto ang pagtatrabaho ni Boobita upang itaguyod ang palamunin niyang pamilya: isang inang pilit ibinabangon ang nasaktang pagka-babae sa pamamagitan ng pakikiapid sa mga nakababatang lalaki; isang kuya na lagi na lamang humihingi ng pera para (maghanap ng trabaho puro babaet droga naman ang inaatupag; isang kapatid sa labas na lagi ring humihingi ng pambaon sa eskuwela pero nag-aalmusal naman ng hinyebra; at isang lolong hindi makahiwalay sa bisyong paninigarilyo kahit maubos na ang baga nito sa kauubo. Kung ano ang yaman ng dibdib ni Boobita ay siya namang pagdarahop ng kanyang katuwiran. Niloloko siya ng inaasahang niyang kasintahang si Mark, ngunit di naman niya pansin ang lalaking nagmamahal at laging umuunawa sa kanya (Antonio Aquitania). Nang mapuno si Boobita sa ganong uri ng pagpapakasakit para sa kapakanan ng abusadong pamilya, nagsiklab siya sa galit, na naging dahilan naman ng pagkakawatak-watak nila.  
   

Home   |  Philippines | Filipino Recipes  |  Our Products   |   Link Partners   |   Terms and Conditions   |   FAQs   |   About Us   
Copyright © 2005 www.PinoyStop.com. All Rights Reserved.